Thursday, April 06, 2006

introduction

paunang salita - isang nakakaiyak na kuwento
yesterday morning, bago pumasok sa opisina, ito ang laman ng 80gb na external harddisk ko:
-> backup files ng isang kaibigan na gagamitin niya kung sakaling i-pullout na ang pc niya sa office
-> mypowerpointfiles - lahat ng mspowerpoint files na na-receive ko via email, r-18 man o hindi
-> mywordfiles - resume ko at lahat ng kaibigan kong naki-print, mga research backup, mga kopya ng lahat ng mga forwarded messages na na-receive ko via email, source codes ng monthlyperiod!fanzine ko, adult stories (hmmm), libu-libong tablatures (chords, lyrics, tabs), sample letters, kopya ng mga blog ko at blog, atibapang msword files na masarap basahin (tulad ng fraud sa landing on the moon, atbp.)
-> myexcelfiles - mga excel files na calendar, mga excel files ng mga quizzes and iq tests na na-receive ko via email, iba pang excel files na medyo astig ang pagkakagawa (may r-18 din), excel files kung saan nakalista ang lahat ng pelikula, software, games at mp3 ko
-> myexefiles - lahat ng exe files na nareceive ko via email at mula sa mga kaibigan (karamihan ay gawa sa flash)
-> myebook - ebooks ko ng harry potter series, lotr series, robert jordan series, friends season 1-10, csi, csi miami, smallville, my so-called life, 24, dawson's creek, mga movie scripts, software tutorials, fanzines, atibapang classic books
-> myvisualstudio.net - video tutorial compilation ko ng visualstudio.net
-> mywork - source codes ng mga dati kong sistema na hinawakan, cmmi files, source codes ng mga program na pinag-trip-an kong gawin
-> myvideos - 3+gb ng r-18 na videos (including ang classic kong angel locsin video [hmmm]) at 2+gb ng iba pang videos na nareceive ko via email at mula sa mga kaibigan
-> mypictures - mga pictures na na-receive ko via email (mga r-18, mga sikat na personalities, mga priceless pictures, mga jokes, album covers, mga paintings ng idol kong si alex ross, basta lahat ng nakuha kong pictures through the years)
at ang pinaka-precious possession ko:
-> mymusic - 9,175mp3 (nadagdagan pa ito recently dahil may mga bago kong songs na nakopya pero hindi ko pa nasama sa listahan) na kumain ng mahigit 34gb at aabutin ng 25days kung non-stop mo patutugtugin (kasama dito ang mga classic na recordings ng mga kaopisina ko sa videoke habang nag-iinuman at halu-halong genre ng tugtugan)
----------
yesterday evening, pagkauwi ko sa bahay, ito ang laman ng 80gb na external harddisk ko:

at wala akong backup copies. saya no?
-----------
(just like) starting over
na-format na ang aking external harddisk. quick format para mabilis lang ang lungkot na epekto. aaminin ko na hanggang ngayon eh nalulungkot pa din ako 'pag naaalala ko ang lahat ng files na nawala sa akin (hindi lang mp3). para mawala ng kaunti ang kirot, naguumpisa ulit akong mangolekta ng mp3 files. paano?

1. bumibili ulit ako ng mga mp3 collection na dating meron ako sa aking collection;
2. bumibili ulit ako ng mga audio cd at pagkatapos ay niri-rip ko ang mga kanta nito;
3. hinalungkat ko at nilabas ulit ang aking mga nakatago nang audio cd at mp3 collection para muling i-rip at kopyahin sa aking harddisk (bagama't may konting problema dahil tinotopak na ang cd-rom ko);
4. hiniram ko ulit ang mga mp3 at audio cd na pina-burn sa akin ng mga ka-tropa ko para kopyahin;
5. nagpupunta ulit ako sa mga websites na nagbibigay ng mga rare and recent albums na puwede i-download ng libre; at
6. at naghahalungkat ako ng mga shared mp3 folders sa aming opisina. kopya lang ng kopya. saka na ang pag-aayos at pagdelete ng mga doble.
-----------
pangalawang salita
sa bandang kanan ng blog na ito ay makikita niyo ang songlist ko at ang mga mp3s na previously ay na-upload ko na at pwede na ninyong i-download.
kung may request kayo na song(s) na nasa listahan ko eh magpost lang kayo ng comment at ilagay ninyo ang song(s) na trip niyo with yer email address. i cannot promise na maibibigay ko lahat o agad ang request ninyo. basta, gagawan ko ng paraan. 'yun lang po at salamats. enjoy.