Tuesday, February 28, 2006

(just like) starting over

na-format na ang aking external harddisk. quick format para mabilis lang ang lungkot na epekto. aaminin ko na hanggang ngayon eh nalulungkot pa din ako 'pag naaalala ko ang lahat ng files na nawala sa akin (hindi lang mp3). para mawala ng kaunti ang kirot, naguumpisa ulit akong mangolekta ng mp3 files. paano?
1. bumibili ulit ako ng mga mp3 collection na dating meron ako sa aking collection;
2. bumibili ulit ako ng mga audio cd at pagkatapos ay niri-rip ko ang mga kanta nito;
3. hinalungkat ko at nilabas ulit ang aking mga nakatago nang audio cd at mp3 collection para muling i-rip at kopyahin sa aking harddisk (bagama't may konting problema dahil tinotopak na ang cd-rom ko);
4. hiniram ko ulit ang mga mp3 at audio cd na pina-burn sa akin ng mga ka-tropa ko para kopyahin;
5. nagpupunta ulit ako sa mga websites na nagbibigay ng mga rare and recent albums na puwede i-download ng libre; at
6. at naghahalungkat ako ng mga shared mp3 folders sa aming opisina. kopya lang ng kopya. saka na ang pag-aayos at pagdelete ng mga doble.
sa mga gustong manghingi sa akin ng kopya ng song na mapo-post ko dito in the near future.... post lang kayo ng comment at gagawan ko ng paraan. salamats.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home